Mga Hayop na Nanganganib nang Maubos
Ang Pawikan ay isa sa mga hayop na nanganganib ng maubos sa Pilipinas. Matatagpuan ang Pawikan sa lahat ng karagatan ng Pilipinas. Ang Pawikan ay isang uri ng Malaking Pagong may mga palikpik imbis na paa. Sila ay tumutulong na mapangalagaan ang dagat damo o yung seaweeds. Sila ay kumakain ng mga dagat damo o seeweads at mga dikya o jellyfish.
Kapag ang Pawikan ay nangitlog, ito ay tinatabunan nila ng buhangin upang hindi makita ng kanilang mga predators. Ang itlog ng Pawikan ay umaabot sa humigit kumulang isang daan. Ngunit hindi lahat ng itlog ay napipisa at hindi lahat ng napipisa ay nabubuhay sa pagkat ang iba sa kanila ay nalulunod o di kaya ay kinakain ng malalaking isda. bagamat ang Pawikan ay makikita sa buong karagatan ng Pilipinas, ito ay unti unti ng nauubos dahil marami ang nanghuhuli ng mga Pawikan kahit pa nakadeklarang protektado ang mga Pawikan sa ilalim ng batas. Ang malambot na itlog at karne ng Pawikan ay paboritong gawing delicacy ng mga Chinese. Ginagamit din ang mga talukap o shell ng Pawikan sa mga borloloy at alahas at palamuti hinuhuli din sila para ibenta bilang alaga sa mataas na halaga.
Sana ay wag na nating abusuhin ang mga likas na yamang dagat. Dapat parusahan ang mga lumalabag sa pangunguha ng mga Pawikan. Sana ang mga ahensya ng Gobyerno ay madagdagan ang mga proyekto at pondo para sa pangangalaga ng mga likas na yaman dapat na magtagal para sa susunod na henerasyon.
nek minute
ReplyDelete